| Ang matapang na pagbabalik ni Jose sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay noong Hunyo, 1892. Ito ang pangalawa niyang pagbabalik sa Pilipinas, pangalawa sa kanyang paguwi noong Agosto, 1887. Alam ni Jose na papasukin nanaman niya ang isang magulo at mapanganib na mundo ngunit determinado siyang ang laban ay hindi na sa Espanya, kundi sa Pilipinas na mismo.
(Makikipagkamay at makikipagusap si Jose sa ilan sa mga kasapi ng Liga at pagkatapos ay tutungo sa palpito at magsasalita.)
Jose: Tinitawagan ko ng pansin ang lahat! Magsisimula na ang pagpupulong na ito.a
(Uupo ang lahat at tatahimik, tila nagaabang sa sasabihin ni Jose.)
Jose: Salamat. Salamat, mga kasama, sa inyong pagpapaunlak sa pagpupulong na ito. Nais ko ring magpasalamat sa mabuti nating kasamang si Doroteo Ongjuangco na buong pusong nagpahintulot sa paggamit nating ng kanyang tahanan ngayon.
Alam nating lahat na ang La Liga Filipina ay bunga ng hinanakit at karaingan ng La Solidaridad at ng Propaganda ngunit kailangan din nating malaman na ang pinakalayunin nito ay ang pagpapasaayos ng buhay at pamumuhay ng ating mga kababayan. Naniniwala tayong sa bansag na “Unus Instar Omnium” o “Isa, Gaya ng Lahat.” Kaya naman, lahat tayo ay magtutulungan na gaya ng iisang katawan sa ikabubuti ng lahat.
Sa bahaging ito ay ipaliliwanag sa atin n gating kasamang si Pedro Serrano ang mga layunin ng Saligang-Batas ng Liga.
(Tatayo si Pedro Serrano at ipapaliwanag ang mga layunin.)
Pedro Serrano: An gating Liga ay naglalayon na buuin ang buong kapuluan at bigkisin bilang iisa at nagkakasundong katawan, adyain ang bawat gusto at pangangailangan ng mga kapwa natin Pilipino, ipagtanggol ang mga Pilipino sa karahasan at kawalang-hustisiya, himukin ang edukasyon, agrario at kalakalan, at, bilang panghuli, pagaralan at palaganapin ang mga pagbabago.
Jose: Salamat kasamang Pedro. Mayroon bang anumang katanungan?
Mariano Crisostomo: Paano naman nating matutustusan ang bawat gusto at bawat pangangailangan ng Liga at ng mga kasapi nito?
Jose: Magandang tanong ‘yan. Kailangan nating malaman na ang bawat miembro ay magbabayad ng dalawampiso sa kanilang paganib sa liga at dalawang sentimong ambag sa bawat buwan.
(Maguusap sa kanilang sarili ang mga kasapi at tila aayon ang lahat. Biglang tatayo at magsasalita si Estanislao Legaspi.)
E. Legaspi: Maganda ‘yan! Hindi kakayaning magpatuloy ng anumang samahan kung walang paghuhugutan ng mga pangangailangan nito at ng mga kasapi.
D. Ramos: Hindi ba mukhang labis ang presyo na iyon para sa inyo?
(Tatayong bigla si Faustino Villaruel.)
F. Villaruel: Kung kaya nga nating magbayad ng limpak-limpak ng salapi para sa buwis ng mga bangus, kaya din natin para sa kapwa natin mga Pilipino.
(Tatawa ang lahat.)
Jose: Tama ang sinabi ng kasama nating si Faustino Villaruel. Gayong nagkasundo na ang lahat sa aspetong iyan, maaari na tayong umusad. Sa bahaging ito ay ipaliliwanag naman sa atin ng kasamang Juan Zulueta ang mga gampanin ng bawat kasapi sa Liga.
(Tatayo si J. Zulueta ay ipagliliwanag ang mga gampanin.)
J. Zulueta: Ang gampanin ng bawat kasapi ng Liga ay kabilang ngunit hindi lang natatapos sa pagtalima sa Kataastaasang Konseho ng Liga, pagtuling sa pagpapalawak ng mga kasapi, pagpipitagan sa hatol ng Kataastaasang Konseho ng Liga, pagkakaroon ng simbolikong pangalan ng hindi maaaring palitan ninoman maliban nalang siya’y maging presidente ng kanyang koseho, pagsumbong sa awtoridad ng Liga ng anumang may kinalaman ditto, pagkilos ng ayon saan batayan ng pagiging mabuting Pilipino at pagtulong sa lahat ng kasapi sa anumang mga paraan.
Jose: Salamat sa pagpapaliwanag, kasamang Juan. At ngayon, bilang panghuli ay pakinggan natin ang president n gating Liga, ang kasamang Ambrosio Salvador!
(Papalakpak ang lahat hanggang magsalita si Ambrosio Salvador.)
A. Salvador: Salamat kasamang Pepe. Gusto kong ihatid ang aking pagpapasalamat sa inyong lahat sa inyong pagtitiwala sa aking kakayahan. Ipinangangako ko na ang ating Liga ay magiging masigla at matibay sa aking pamumuno at sa mga susunod pang panahon. Umaasa din akong gagampanan ninyo ang lahat ng inaasahan sa inyo. Dadating ang araw na aalaalahin ng lahat ng mga Pilipino na sa taong ito, 1892, naitatag ang La Liga Filipina. Mabuhay ang Liga!
Lahat: Mabuhay ang Liga!
A. S.: Mabuhay ang Pilipinas!
Lahat Mabuhay!
(Unang kakamay si Rizal kay Salvador, kakamay ang lahat kay Salvador at aalis na si Jose.)
TELON
Scene 2:
| Pagkatapos ng pagpupulong ng La Liga Filipina, dumeretso si Jose kay General Despujol sa Malacanan. Kinailangan niyang makipagkita sa General upang pagusapan ang kaso ng kanyang pamilya.
(Papasok si Jose, akmang kakamayan ang General ngunit pipigilan siya nito.)
GD: Por favor, permanecer de pie!
Jose: Si, General.
GD: Su nombre?
Jose: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.
GD: Ah, el exiliado!? Ha-ha-ha! Sentarse –
Jose: Gracias, senor –
GD: Bakit ka naparito, Jose?
Jose: Gusto ko hong kumustahin ang kaso ng aking pamilya – ng aking ama, ng aking mga kapatid.
GD: Mukhang mas magandang pagusapan nalang natin ang kinalaman mo kay Bonifacio?
Jose: (Gulat) Wala akong alam sa sinasabi mo, General.
GD: (Ngingiting sandali) Bueno. Napatawad na ang iyong ama, Jose, at malaki ang posibilidad na mapatawad na rin ang iyong mga kapatid. Ang kaso mo ang problema, Jose. Malabo kang mapatawad dahil malakas ang kaso laban sa iyo.
Jose: Malakas ang kaso labang sa akin? Pero –
GD: Tiniente! –
Tiniente: Si, General!?
GD: Donde estan los papeles y los pruebas?
(Kukunin ng tinienta ang mga papeles at iaabot kay General. Bago pa man niya maiabot ay sinunggaban ni General ang mga ito.)
Tiniente: Aqui lo tienes –
GD: (Tatayo at lilibot habang nagbabasa) Ayon sa kaso mo, Jose, sumulat ka ng mga libro at mga polieto na laban sa Espaniya at laban sa Simbahan, isinulat mo ang El Filibusterismo bilang pagaalaala sa tatlong traydor na mga pari – Gomez, Burgos at Zamora at ang layunin mo sa pagsusulat ay para sirain ang Kabanalbanalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.
Jose: Wala ni isa sa mga ‘yan ang may prueba, General. Ang mga akusasyong gaya ng mga ‘yan ay maaaring manggaling kahit kanino lang. Wala akong ki –
GD: Huwag mo nang paikut-ikutin ang ulo naming Jose! No somos idiotos!
Jose: General, nagsasabi akong ng totoo –
GD: (Dahan-dahan) Ano ang kinalaman mo sa mga pagaalsa at ano ang alam mo kay Bonifacio?
Jose: Wa –
GD: Hindi kami mga tanga, Jose. (Ihahagis niya ang mga polieto sa harapan ni Rizal.) Pobres Frailes – isang satirika laban sa simbahan at sa mga pari!
(Papalakpak si General Despujol at akmang dadalpin si Rizal ng isang guardia. Papalag siya sa unang pagkakataon.)
Jose: Wala akong alam sa mga ito, General!
GD: Nasabat ang mga polietong ‘yan sa Ate Lucia mo. Sige, kunin na ‘yan at ipatapon kay Capitan Carcinero!
Jose: Kailangan ko ng patas ng paglilitis, General! Hindi tama ito!
TELON
Scene 3: STEAMER
| Dinala si Jose sa isang steamer, Cebu, patungong Dapitan. Bago tumuloy ang steamer ay binasahan siya ng hatol ni Capitan Carcinero at nakatanggap siya ng sulat mula kay Padre Pastells.
(Hawak pa rin si Rizal ng guardia habang binabasahan siya ng hatol sa kanya. May mga taong nakaupo sa steamer.)
CC: Anong pangalan mo?

CC: (May isusulat sa isang papel, tatayo at babasahan si Jose.) Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ipinatatapon sa Dapitan sa kasong panguupat ng pagaalsa laban sa Espaniya at sa Simbahan. Ikaw ay mananatili doon sa loob ng apat na taon sa ilalim ng aking superbisyon. Naiintindihan mo ba ang hatol na ito sa iyo?
(Hindi sasagot si Jose. Uupo siya sa gitna ng steamer, aalis ang guardia at si CC. Darating ang isang kartero na may dalang sulat para kay Jose.)
Kartero: Donde estan Jose Rizal?
Jose: Si! Tengo una carta?
Kartero: Galing ho kay Padre Pablo Pastells.
Jose: Akin nga iyan. (May ipapipirma ang kartero. Bubuksan ni Jose ang sulat at babasahin ito. Iparirinig sa voice over ang nilalaman ng sulat.)
(Tatayo si Jose at mananalumpati ng sagot niya sa sulat ni Padre Pastells.)
Jose: Hindi! Hindi ako papaya sa mga kundisyong ito para lang makapanirahan ng walang bayad sa kumbento kasama ng mga prayle. Hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko laban sa relihiyon dahil ang lahat ng mga iyon ay tama. Aso lang ang kumakain ng sarili niyong iniluwa.
Bakit ako magbabalikloob sa Simbahan at magkukumpisal? Bakit ako magkukumpisal sa mga taong gaya ko ay makasalanan? Maninindigan ako sa mga bagay na ipinaglalaban ko at hinding hindi ako magpapataboy sa mga kundisyon ng sinuman.
TELON
Scene 4:
|Dahil hindi pumayag si Jose sa mga kundisyon ni Padre Obach, kinailangan niyang tumira kasama ng kanyang warden, si Capitan Ricardo Carcinero. ‘Di naglaon ay naging magkaibigan ang dalawa. Nagustuhan ni Capitan Carcinero ang pagiging magalang at matalino ni Jose. Nagkaroon sila ng magaganda at malalalim na mga paguusap sa harap ng hapagkainan. Alam ni Capitan Carcinero na hindi isang kriminal si Jose kaya naan pinayagan niya siyang maglibot sa Dapitan na wari’y malaya.
(Nasa loob ng bahay si Jose. Isaisang darating ang tatlo niyang mga bisita – si Francisco na magbabalita sa kanya ng napanalunan niya sa bolahan, si Padre Sanchez na makikipagtalo sa kanya tungkol sa relihiyon at si Pablo Mercado na espiyang ipinadala para manmanan siya. Kakatok si Francisco.)
Francisco: Tao po!
Jose: (Ititigil ang pagbabasa ng diaryo) Sandali lang! Sino ‘yan? –
Ah, Francisco! Ikaw pala halika tul –
Francisco: Jose, may maganda akong balita sa iyo!
Jose: Oh, kalma lang Francisco, ano ba ‘yan? (Uupo)
Francisco: Nananalo tayo sa bolahan!
Jose: (Mapapatayo) Ano? Bolahan? Talaga? Magkano?
Francisco: Tumama tayong tatlo ng bente mil – ikaw, ako at si Capitan Carcinero.
Jose: Tingnan mo nga naman ang swerte ano!?
Francisco: Tama ka diyan! Kaya maghahati tayong tatlo at makakukuha tayo ng tig-sais mil dos cientos!
Jose: Marami akong paggagamitan ng perang makukuha ko –
Francisco: -- Anu ano naman?
Jose: Una, magbibigay ako ng dalawang-libong piso sa aking ama. Tapos, Dalawandaan naman ang ibibigay ko sa kaibigan kong si Basa na nasa Hong Kong –
Francisco: -- Eh ang iba?
Jose: -- Ang iba naman ay ikakapital ko sa agrikiltura, isang munting paaralan at negosyo dito sa Dapitan!
Francisco: Oh, siya, Jose! Aalis na muna ako. Bukas idadaan ko dito ang bahagi mo sa bolahan!
Jose: Huwag mong kalilimutan Francisco ha? Bukas! Sige! (Bubulong sa sarili) Swerte nga naman oo.
(Pagupo ni Jose ay may kakatok nanaman sa pinto. Aakalain niyang si Francisco. Yun pala ay si Padre Sanchez)
Jose: Bakit, ay nakalimutan ka ba Francisco? Ha-ha! (Bubuksan ang pinto.)
FS: Jose!
Jose: Padre Sanchez! Kumusta na kayo? Tuloy kayo! Buti naman at may panahon kayong dalawin ako dito?
FS: Lagi akong may panahon para sa’yo Jose. Nabalitaan ko sa labas na tumama ka raw sa higit anim na libo sa bolaha?
Jose: Ah, oo, Padre –
FS: Alam ko namang magaling kang magmeneho ng pera. Huwag mong iisiping hihingi ako ng balato kaya ako naparito ah? (Tatawa ang dalawa.)
Jose: Susubukan kong palaguan ang perang makukuha ko habang nandito ako sa Dapitan.
FS: Maganda ‘yan, Jose. Siya nga pala. Gusto ko nang puntuhin ang ipinunta ko dito. Sandali lang din ako’t di ako pwedeng magtagal.
Jose: Anu iyon, Padre?
FS: Nawawalan ka na ng pananampalataya, Jose?
Jose: Magkakaiba tayo ng pangmalas sa pananampalataya, Padre.
FS: Hindi ka na nagkukumpisal, Jose.
Jose: (Tatayo si Jose) Padre, hindi ang pangungumpisal ang batayan ng pananampalataya ng isang tao. Isa pa, hindi ko kailangang mangumpisal.
FS: Bakit hindi, Jose? Isa ang pangungumpisal sa mga tungkulin mo sa Dios.
Jose: Sa Dios o sa tao? Bakit ko nga ba kailangan mangumpisal? Bakit ko kailangang humingi ng tawad sa mga taong gaya ko ay makasalanan din? Sa Dios ako nagkukumpisal, Padre.
FS: Hindi naman bababa ang Dios dito sa lupa para pagkumpisalin ka, Jose. Kaya nga siya nagpapadala ng mga kasangkapan niya.
Jose: Para saan pa ang panalangin, Padre? Alam nating dalawa na ang panalangin ang nagiisang komunikasyon natin sa Dios. Hindi ko kailangan ng anumang ritual para mapalapit sa Kanya.
FS: (Nanlulumo) Huwag mong sabihin ‘yan, Jose. Alam kong marami kang mapait na karanasan sa Simbahan pero hindi ‘yan dahilan para lumaban ka sa Santa Iglesia. Nasa Simbahan ang kaligtasan, Jose; huwag mong kalilimutan ‘yan. (Hindi sasagot si Jose.)
Oh, siya, Jose. Tutuloy na rin ako. Hinihiling ko sa Dios na nawa’y basbasan niya ang isip mo bago pa mahuli ang lahat.
Jose: Salamat sa dalaw mo, Padre. (Ihahatid ang pari sa pintuan.) Hanggang sa huling pagkikita!
FS: Magingat kang lagi, Jose.
(Babalik si Jose sa kanyang pagkaupo si Jose at susulat kay Blumentritt. Wari’y magsusulat si Jose at maririnig sa VOICE OVER ang isinusilat niya.)
(Matapos magsulat ay makaririnig si Jose ng katok sa pintuan.)
Jose: Sandali lang!(Bubuksan ang pinto at makikita ang hindi pamilyar na mukha – Pablo Mercado.)
PM: Magandang hapon sa iyo, Jose! Kumusta ka na?
Jose: Maayos naman ako. Anung maitutulong ko sa iyo?
PM: Ah! Pasensiya na kung nakaabala ako sa iyo. Ako si Pablo Mercado; kamag-anak mo ako!
Jose: Ah, halika tuloy ka. Pagpasensiyahan mo na ang hamak ko tirahan. Anu uli kamo? Kamag-anak kita?
PM: Ah, oo. Hindi mo na siguro ako maalala. Ako si Pablo Mercado. Heto, isang butones na may markang PM, ako ‘yan – Pablo Mercado at heto nga pala ang isang retrato mo.
Jose: Nakatutuwa namang may kopya ka ng retrato kong ito. Pasensiya ka na ano pero hindi talaga kita maalala. Ipaalala mo nga ulit sa akin kung paano kita naging kamag-anak?
PM: Naku! Mahabang kuwento ‘yan, Jose! Aabutin tayo ng siyam-siyam! Siya nga pala. Hirap na hirap akong hanapin ka. Naipatapon ka raw dito?
Jose: Ah, oo. Mukhang kailangan kong manatili ng ilang taon dito. Sulat lang ang tangi kong komunikasyon sa Maynila.
PM: Nakalulungkot namang malaman iyan, Jose. Sa tingin mo’y may maitutulong ako sa iyo?
Jose: Wala naman sa ngayon pero huwag kang magalala, sasabihin ko sa’yo kung sakaling kailanganin ko ng tulong mo.
PM: Ah, may naisip ako! Anu kaya’t ako nalang ang maghatid ng mga sulat mo papuntang Maynila? Isang munting tulong ko nalang sa matagal ko nang hindi nakitang kamag-anak?
Jose: Magandang ideya ‘yan pero mukhang mas magandang ang mga kartero nalang ang gumawa ng paghahatid ng sulat. Alam naman nating bihasa sila sa mga ganung gawain.
PM: Ah, oo naman, siyempre. Naku, maggagabi na pala. Salamat sa oras mo, Jose. Baka tutuloy na rin ako.
Jose: Aalis ka na? Gagabihin ka na sa daan. Mahirap mangapa sa dilim. Mas mabuti pa’y dito ka na magpalipas ng gabi. Bukas ka nalang ng magang-maga tumuloy.
PM: Salamat, Jose. Nakakatakot na rin ngang lumabas.
Jose: Halika at maghanda na tayo ng hapunan.
TELON
Scene 5:
|Nakaramdam na ng hindi maganda si Jose sa taong nagpakilala sa kanya bilang Pablo Mercado. Di naglaon ay nalaman niyang siya pala si Florencio Namanan, isang espiya ng mga prayle na nagbabalak makakalap ng mga ebidensiyang magpapadiin kay Jose. Sa loob ng apat na taong pananatili ni Jose sa Dapitan ay naging produktibo ang kanyang buhay. Naging manggagamot siya ng mga naninirahan duon, naging guro sa mga maliliit na mga bata, naging bihasa sa agham, nagsulat ng mga tula, nagpinta ng magagandang mga obra maestro at naging negosyante. Kahit abala si Rizal ay hindi naging hadlang ang mga gawain niya para makilala niya si Josephine Bracken.
(Nakaupo si Jose, darating si Josephine Bracken kasama ang kanyang ama. Ihahatid ni Josephine ang kanyang amain sa receiving area ng klinika ni Jose. Bubuksan ni JB ang pinto.)
JB: Hello, good day! (Romantic music)
Jose: Good day to you too, miss. Come in!
JB: You must be Dr. Rizal. I’m Josephine Bracken from Ireland.
Jose: Ireland? They say women from Ireland are beautiful. I see they’re not mistaken.
JB: (Mahihiya) Thank you very much, Dr. Rizal.
Jose: I think it would be more fitting if you call me Jose. People call me by that name.
JB: Uh, yes. Dr. Jose. We’ve heard of your expertise as an eye physician even in my home town. I really need your help.
Jose: Why, Josephine, is there a problem with those big, beautiful, blue eyes of yours? (Hahawakan ang mga mata ni JB.)
JB: (Mahihiya) Not me. My father.
Jose: Oh, I’m sorry. Would you mind bringing him in? (Dadalhin ni JB ang kanyang ama sa loob ng klinika ni Jose. Susuriin sandal ni Jose ang mga mata ng ama ni JB.)
JB: We’ve already consulted doctors from other countries. They fail to give any help.
Jose: I’m afraid your father’s case is really a difficult one. If I conduct an operation on his eyes, chances are low for us to recover his eyesight; nevertheless and rest assured, I will try my best and will exhaust everything that I can.
JB: Thank you, Dr. Jose.
Jose: (Titipunin ang buhok sa likod ng tainga ni JB.) Don’t call me Dr. Jose ; just “Jose” is enough.
JB: Alright.
Jose: So, I guess you have to come back here on Wednesday so that I can have plenty of time to prepare the necessary tool that I will use. Don’t worry about your father’s condition.
JB: Thank you, Jose. We’ll come back on Wednesday. (Pagbubuksan ni Jose ng pinto si JB at ang kanyang ama. Uupo siya at susulat ng tula para kay Josephine na maririnig sa VOICE OVER.)
(Papasok bigla si JB)
JB: Dr. Rizal! Dr. Rizal!
Jose: Josephine, you have come back? Whom are you with?
JB: I came here alone. I escaped from home them; I wanted to see you again.
Jose: It’s a good thing you came back. Ever since I saw you, I already felt strange inside me. See, (Ipakikita sa kanya ang ginawa niyang tula) I made a poem especially for you. I think I’m in love with you, Josephine!
JB: Yes, I know. I feel the same for you, Dr. Rizal –
Jose: (Pipigilan sa pagsasalita si JB.) Remember, I told you, not to call me Dr. Rizal. Call me “Jose,” as if your own.
(Biglang makararamdam ng pagsisisi si JB. Tatayo at lalayo kay Jose.)
JB: What am I doing!? Am I crazy? Is it really possible – to fall in love with someone I’ve only seen a few moments ago?
Jose: Don’t be afrain, Josephine. We share the same feelings. If it is insanity to love, then I, too, am insane.
JB: I love you, Jose.
Jose: I love you and I would love to marry you.
JB: Let’s marry –
Jose: -- and have children?
JB: Yes! Let’s make a family, Jose. You and me!
Jose: I will contact a priest as soon as possible! I will marry you now! Today!
(Iiwan ni Jose si JB sa kaniyang klinika, kukunin si Padre Obach at ipakikita sa kanya si Josephine. Papasok si Jose at Padre Obach.)
Jose: There she is, father, the love of my life!
Padre Obach: (Hihilahin siya sa tabi) Jose, anung bang naiisip mo? Maghulusdili ka! Nababaliw ka na ba? Kakikilala mo lang sa babaeng ‘yan, gusto mo na ng kasal!?
Jose: Padre, nagmamahalan kami. Hindi ba’t yun naman ang mahalaga sa isang kasal? Ang pagmamahal?
PO: Pagmamahal? Nababaliw ka na, Jose! (Nanggigigil) Kakikilala mo palang sinasabi mo na ‘yan na wari’y ilang taon mo na siyang kasama! Isa pa, Jose, hindi ko kayo pwedeng ikasal ng basta-basta. Kailangan ko pang sumulat sa Obispo ng Cebu. Siguradong hindi rin siya papayag kung malalaman niya ang bagay na ito!
Jose: Padre, ikasal mo na kami!
JB: Jose, my love, is there any problem?
Jose: No, darling. Please wait. I and father Obach are discussing some matters. (Babalik kay Padre Obach.) Padre, wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan naming!
PO: Jose, wala na akong maitutulong pa sa iyo. Kung malalaman ito ng iyong ina, tiyak na magiging kahihiyan niya ang inyong kasal at magiging kahihiyan ng simbahan kung papayagan ko kaya. Pasensiya na. (Lalabas na si PO. Hahabol si Jose.)
Jose: Padre!
JB: Doesn’t the priest want to solemnize our wedding?
Jose: He told me that our wedding could be a problem. Don’t worry, Josephine. Weddings are not important! What’s important is that we love each other.
JB: But people might say bad things about us.
Jose: I don’t care! What I care about is that we live in together and make a family.
JB: I love you, Jose!
Jose: I love you too, Josephine. Today, I promise to you, in the presence of God, that we are husband and wife.
WEDDING MARCH BY MEDDLESON
TELON
Scene 6:
|Naging maganda ang pagsasama ni Jose at ni Josephine kahit na hindi sila kasal ng simbahan. Naging masipag si Josephine sa pagtulong sa kanyang asawa at matiya niyang pinagaaralan ang wika ni Jose, Filipino. Nagdalang-tao si Josephine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nabuhay ang bata.
(Ipapakitang buntis si Josephine at nagaayos sa bahay. Nadaring ang isa sa mga kapitbahay ni Jose na nagkukumahog. Dalaldala naman ng dalawa pang iba si Josephine.)
Bebang: Jose! Jose! Manganganak na ata si Josephine, Jose!
Jose: Kalma lang ho, Aling Bebang. Pumutok na bang panubigan niya?
Bebang: Ay naku, oo, Jose!
Jose: Nasaan ho ba siya?
(Papasok si Josephine na bitbit-bitbit ng dalawang kapitbahay. Nagaalala si Aling Bebang at kinakabahan na ang dalawa.)
JB: Jose! Jose! Ahh! It hurts!
Jose: Just calm down, Josephine. Just calm down. (Ihihiga si JB sa isang papag.) Breath in, breath out! Just follow me: breath in, breath out. Come on!
(Magpapatuloy sa paghingal at pagiri at pagiyak si Josephine habang pinupunansan ni Aling Bebang ang ulo ni Jose at iniaabot kay Jose ng iba pang dalawa ang mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang sandal…)
Jose: It’s a boy. (Dismayado)
(Magugulat ang tatlong babae. Kakausapin ni Jose si Aling Bebang.)
Aling Bebang: Jose, patay ang bata. Paano mo sasabihin kay Josephine?
Jose: Huwag muna nating sasabihin sa kanya, Aling Bebang. Hayaan nalang muna nating makapagpahinga ang isip at katawan niya.
Aling Bebang: Tama ka diyan. Hindi rin magandang sabihin sa kanya agad at baka mabigla siya.
Jose: (Tatango si Jose.) Aling Bebang, maghanda ka ng ataol na gawa sa makikinis na kahoy. Maliit lang. Ililibing ko ngayong gabi ang bata.
Aling Bebang. Sige, Jose.
Music: Funeral March by Chopin
TELON
Scene 7
|Nang gabing iyon ay inilibing ni Jose ang kanyang siyam-na-buwang anak sa isang kakahuyan sa Dapitan. Pinangalanan niya itong Francisco bilang pagalaala sa kanyang amang si Don Francisco. Labis na naghinagpis si Jose sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Mabuti nalang at nandoon ang mga kaibigan at kapitbahay niya sa Dapitan upang makiramay sa kanyang pangungulila.
(Unang makikita si Jose na nakatayo kasama ang ilang mga tao. Nakaupo naman si JB. Nakikiramay sila at nagpapaalam nang aalis.)
Tao1: Nakikiramay kami sa nangyari sa iyong anak, Jose. Inaasan din naming magkakaroon ka na ng anak.
Jose: Salamat, kasama. Hindi ko rin inaasahang ganun ang mangyayari.
Tao2: Kung nabuhay siguro si Francisco ay magiging kasing galing niya ang kanyang ama.
Tao3: Oo, at malamang ay magiging manananggol din siya n gating Inang Bayan.
Jose: (Ngingiti si Jose sandali.) Salamat sa inyo.
Tao4: Oh, siya Jose tutuloy na kami.
Jose: Magiingat kayo. (Uupo si Jose at tatabihan si JB. Tulala si JB.) I know the sorrow that you feel, Josephine. I know how it feels to lose a child. (Titingnan ni JB si Jose at hindi magsasallita.)
(Papasok ang isang kaibigan ni Jose dala ang balitang pumayag na si Governor Blanco sa pagtulong niya sa Cuba.)
Kaibigan: Jose! Jose! Pagpasensiyahan mo na ang pagaalaba ko.
Jose: Walang anuman ‘yon, kasama. Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo.
Kaibigan: Isang sulat galing kay Governador Blanco, Jose. Mukhang papayagan ka na sa pagtulong mo sa labanan sa Cuba.
Jose: Nakapagtataka naman. (Binubuksan ang sulat.) Matagal ko nang ipinadala ang sulat ko sa kanila. Ngayong lang darating ito. (Babasahing sandal.)
Kaibigan: Oh, anong eka, Jose?
Jose: Sulat nga mula sa Gobernador. Pinapayagan na akong tumulong sa labanan sa Cuba pero hinihiling sa aking dumaan muna sa Maynila para mapagbilinan ako sa pagpunta ko sa Espaniya.
Kaibigan: Maganda ‘yan, Jose! Nakatutuwa namang isipin na pinagyagan ka ng Gobernador sa iyong kahilingan.
Jose: Tama ka pero kailangan kong iwanan ang Dapitan. Napamahal na ako dito, kasama.
JB: What is that, Jose?
Jose: It’s a letter from Governor General Blanco Josephine. He’s notifying me that he is accepting my help for the war in Cuba.
Kaibigan: Salamat sa tulong mo dito sa Dapitan, Jose. Marami kang nagawang proyekto dito at dahil sa mga ‘yun ay umunlad ang buhay at pamumuhay naming rito. Salamat din sa pagtuturo mo sa mga kabataan dito; mula ngayon ay may maiiwan kang marurunong sa bayan na ito.
Jose: Walang anuman ‘yun kaibigan. Itinuring ko naring sarili kong tahanan itong Dapita. Sa apat na taong pananatili ko dito ay naramdaman ko ang pagkalingan naramdaman ko sa Calamba.
Kaibigan: Hindi ka naming makalilimutan kailan man, Jose. Salamat.
TELON
|Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa Dapitan. Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si Jose. Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang Espaniya, ang steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.
Scene 8
|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya.
(May isang kababayan niya na kakausap sa kanya.)
Kb: Magandang araw, Jose!
Jose: Magandang araw din naman sa iyo, kaibigan.
Kb: Nabalitaan kong kailangan mo raw pumunta sa Espaniya para makatulong sa labanan sa Cuba?
Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit nahuli ako dahil nakaalis na pala ito kahapon ng alas singko.
Kb: Kaya naman hihintayin mo ang susunod na steamer, tama ba?
Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako sasakay.
Kb: Mabuti. Hiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay –
Jose: -- Salamat –
Kb: Nabalitaan mo na ba ang mga pagyayari sa ating bayan?
Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?
Kb: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala ng Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluihanan na ang mga mga Kastilang opisyal.
Jose: May mga pagaalsa na bang sumiklab?
Kb: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Jose: Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan.
Kb: Nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at nagsisimula nang kumilos ang mga Pilipino upang bawiin an gating kalayaan?
Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may laying lumipad, kulungin mo at iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga Pilipino at mga Kastila.
TELON
Scene 9
|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer na Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang mayamang taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na iyon.
P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo makarating sa Barcelona.
P2: Tumakas ka na, Jose, habang may pagkakataon ka pa!
Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa Barcelona at tutulong ako sa labanan sa Cuba bilang isang manggagamot. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.
P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto mong mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang at manahimik sa isang tagong lugar.
Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at prisipyo na kailangan kong alagaan.
(Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa kanya.)
TK1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal Mercado!?
Jose: Si. Que usted necesitas?
TK2: Inaaresto ka naman, gamit kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General Ramon Blanco.
Jose: Sa anong dahilan ako aarestuhin?
TK1: Sumama ka nalang sa amin. Sige, dakpin siya.
Jose: Saan niyo ako dadalhin!?
TK2: Ididitini ka muna naming sa Ceuta. Doon ka mananatili hanggang makarinig kami ng kautusan mula kay Gobernador General Blanco.
TELON
|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punong-punong ng mga sundalo at mga opisyal ang steamer. Ang hulinh paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran.
(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa kasong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo)
Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa kampanya para sa reporma sa Espanya.
2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik.
3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa Propaganda sa Espaniya.
4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na mapanghikayat ng himagsikan.
5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas.
6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik na serbisiyo.
7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya.
(Papalo nanaman si Juez.)
Tagabas2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo:
1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyong na humihingi ng tulong nito para sa paghihimagsik.
2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.
3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno.
5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal na organisasyon.
6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”
7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!”
8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.
(Papalo nanaman ang Juez.)
Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong mananaggol na iprisenta ang inyong hulingdepensa. (Papalo.)
Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realando.

Padre Pastells
Compana de Jesus
Filipinas
Jose,
Magandang araw sa iyo! Sana ay natanggap mo ang liham na ito na nasa mabuti kang kalagayan. Kung ako naman ang iyong tatanungin, ako ay mabuti naman sa awa at tulong ng Dios.
Nabalitaan ko ang pagpapatapon sa iyo sa Dapitan kaya dali-dali akong sumulat kay Padre Obach upang ipaalam sa kanya ang iyong kalagayan at pangangailangan. Sinabi niya sa akin na maaarin kang tumira sa kumbento ng Simbahan kung susundin mo lang ang mga payo niya sa iyo.
Una, gusto niyang bawiin mo ang lahat ng sinabi mo laban sa Iglesia Katolika at na gumawa ka ng mga pahayag na kontra-rebolusyon. Pangalawa, gusto niyang magbalikloob ka sa Simbahan at magkumpisal. Panghuli, gusto niya na kumilos ka ng naaayon sa mga gawi ng alipin ng Espaniya at gawi ng mga pananampalataya.
Sana ay basbasan ka ng Dios sa mga plano mo.
Laging gumagabay,
Padre Pastells
(Tatayo si Jose at mananalumpati ng sagot niya sa sulat ni Padre Pastells.)
Jose: Hindi! Hindi ako papaya sa mga kundisyong ito para lang makapanirahan ng walang bayad sa kumbento kasama ng mga prayle. Hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko laban sa relihiyon dahil ang lahat ng mga iyon ay tama. Aso lang ang kumakain ng sarili niyong iniluwa.
Bakit ako magbabalikloob sa Simbahan at magkukumpisal? Bakit ako magkukumpisal sa mga taong gaya ko ay makasalanan? Maninindigan ako sa mga bagay na ipinaglalaban ko at hinding hindi ako magpapataboy sa mga kundisyon ng sinuman.
TELON
Scene 4:
|Dahil hindi pumayag si Jose sa mga kundisyon ni Padre Obach, kinailangan niyang tumira kasama ng kanyang warden, si Capitan Ricardo Carcinero. ‘Di naglaon ay naging magkaibigan ang dalawa. Nagustuhan ni Capitan Carcinero ang pagiging magalang at matalino ni Jose. Nagkaroon sila ng magaganda at malalalim na mga paguusap sa harap ng hapagkainan. Alam ni Capitan Carcinero na hindi isang kriminal si Jose kaya naan pinayagan niya siyang maglibot sa Dapitan na wari’y malaya.
(Nasa loob ng bahay si Jose. Isaisang darating ang tatlo niyang mga bisita – si Francisco na magbabalita sa kanya ng napanalunan niya sa bolahan, si Padre Sanchez na makikipagtalo sa kanya tungkol sa relihiyon at si Pablo Mercado na espiyang ipinadala para manmanan siya. Kakatok si Francisco.)
Francisco: Tao po!
Jose: (Ititigil ang pagbabasa ng diaryo) Sandali lang! Sino ‘yan? –
Ah, Francisco! Ikaw pala halika tul –
Francisco: Jose, may maganda akong balita sa iyo!
Jose: Oh, kalma lang Francisco, ano ba ‘yan? (Uupo)
Francisco: Nananalo tayo sa bolahan!
Jose: (Mapapatayo) Ano? Bolahan? Talaga? Magkano?
Francisco: Tumama tayong tatlo ng bente mil – ikaw, ako at si Capitan Carcinero.
Jose: Tingnan mo nga naman ang swerte ano!?
Francisco: Tama ka diyan! Kaya maghahati tayong tatlo at makakukuha tayo ng tig-sais mil dos cientos!
Jose: Marami akong paggagamitan ng perang makukuha ko –
Francisco: -- Anu ano naman?
Jose: Una, magbibigay ako ng dalawang-libong piso sa aking ama. Tapos, Dalawandaan naman ang ibibigay ko sa kaibigan kong si Basa na nasa Hong Kong –
Francisco: -- Eh ang iba?
Jose: -- Ang iba naman ay ikakapital ko sa agrikiltura, isang munting paaralan at negosyo dito sa Dapitan!
Francisco: Oh, siya, Jose! Aalis na muna ako. Bukas idadaan ko dito ang bahagi mo sa bolahan!
Jose: Huwag mong kalilimutan Francisco ha? Bukas! Sige! (Bubulong sa sarili) Swerte nga naman oo.
(Pagupo ni Jose ay may kakatok nanaman sa pinto. Aakalain niyang si Francisco. Yun pala ay si Padre Sanchez)
Jose: Bakit, ay nakalimutan ka ba Francisco? Ha-ha! (Bubuksan ang pinto.)
FS: Jose!
Jose: Padre Sanchez! Kumusta na kayo? Tuloy kayo! Buti naman at may panahon kayong dalawin ako dito?
FS: Lagi akong may panahon para sa’yo Jose. Nabalitaan ko sa labas na tumama ka raw sa higit anim na libo sa bolaha?
Jose: Ah, oo, Padre –
FS: Alam ko namang magaling kang magmeneho ng pera. Huwag mong iisiping hihingi ako ng balato kaya ako naparito ah? (Tatawa ang dalawa.)
Jose: Susubukan kong palaguan ang perang makukuha ko habang nandito ako sa Dapitan.
FS: Maganda ‘yan, Jose. Siya nga pala. Gusto ko nang puntuhin ang ipinunta ko dito. Sandali lang din ako’t di ako pwedeng magtagal.
Jose: Anu iyon, Padre?
FS: Nawawalan ka na ng pananampalataya, Jose?
Jose: Magkakaiba tayo ng pangmalas sa pananampalataya, Padre.
FS: Hindi ka na nagkukumpisal, Jose.
Jose: (Tatayo si Jose) Padre, hindi ang pangungumpisal ang batayan ng pananampalataya ng isang tao. Isa pa, hindi ko kailangang mangumpisal.
FS: Bakit hindi, Jose? Isa ang pangungumpisal sa mga tungkulin mo sa Dios.
Jose: Sa Dios o sa tao? Bakit ko nga ba kailangan mangumpisal? Bakit ko kailangang humingi ng tawad sa mga taong gaya ko ay makasalanan din? Sa Dios ako nagkukumpisal, Padre.
FS: Hindi naman bababa ang Dios dito sa lupa para pagkumpisalin ka, Jose. Kaya nga siya nagpapadala ng mga kasangkapan niya.
Jose: Para saan pa ang panalangin, Padre? Alam nating dalawa na ang panalangin ang nagiisang komunikasyon natin sa Dios. Hindi ko kailangan ng anumang ritual para mapalapit sa Kanya.
FS: (Nanlulumo) Huwag mong sabihin ‘yan, Jose. Alam kong marami kang mapait na karanasan sa Simbahan pero hindi ‘yan dahilan para lumaban ka sa Santa Iglesia. Nasa Simbahan ang kaligtasan, Jose; huwag mong kalilimutan ‘yan. (Hindi sasagot si Jose.)
Oh, siya, Jose. Tutuloy na rin ako. Hinihiling ko sa Dios na nawa’y basbasan niya ang isip mo bago pa mahuli ang lahat.
Jose: Salamat sa dalaw mo, Padre. (Ihahatid ang pari sa pintuan.) Hanggang sa huling pagkikita!
FS: Magingat kang lagi, Jose.
(Babalik si Jose sa kanyang pagkaupo si Jose at susulat kay Blumentritt. Wari’y magsusulat si Jose at maririnig sa VOICE OVER ang isinusilat niya.)
Dear Blumentritt;
My friend,
I shall tell you how we live here. I have three houses, where I live with my mother, my sister Trinidad, my nephew and my students. One of the three houses is for my chickens. I have many farm animals, many fruit trees and many vegetables. I actually have a small boat in which to ride to kill time. I wake up very early in the morning to prepare food and prepare things I need for the day.
I hope that you come here and see how idyllic life is in Dapitan.
Take care, always.
Your friend,
Jose Rizal
(Matapos magsulat ay makaririnig si Jose ng katok sa pintuan.)
Jose: Sandali lang!(Bubuksan ang pinto at makikita ang hindi pamilyar na mukha – Pablo Mercado.)
PM: Magandang hapon sa iyo, Jose! Kumusta ka na?
Jose: Maayos naman ako. Anung maitutulong ko sa iyo?
PM: Ah! Pasensiya na kung nakaabala ako sa iyo. Ako si Pablo Mercado; kamag-anak mo ako!
Jose: Ah, halika tuloy ka. Pagpasensiyahan mo na ang hamak ko tirahan. Anu uli kamo? Kamag-anak kita?
PM: Ah, oo. Hindi mo na siguro ako maalala. Ako si Pablo Mercado. Heto, isang butones na may markang PM, ako ‘yan – Pablo Mercado at heto nga pala ang isang retrato mo.
Jose: Nakatutuwa namang may kopya ka ng retrato kong ito. Pasensiya ka na ano pero hindi talaga kita maalala. Ipaalala mo nga ulit sa akin kung paano kita naging kamag-anak?
PM: Naku! Mahabang kuwento ‘yan, Jose! Aabutin tayo ng siyam-siyam! Siya nga pala. Hirap na hirap akong hanapin ka. Naipatapon ka raw dito?
Jose: Ah, oo. Mukhang kailangan kong manatili ng ilang taon dito. Sulat lang ang tangi kong komunikasyon sa Maynila.
PM: Nakalulungkot namang malaman iyan, Jose. Sa tingin mo’y may maitutulong ako sa iyo?
Jose: Wala naman sa ngayon pero huwag kang magalala, sasabihin ko sa’yo kung sakaling kailanganin ko ng tulong mo.
PM: Ah, may naisip ako! Anu kaya’t ako nalang ang maghatid ng mga sulat mo papuntang Maynila? Isang munting tulong ko nalang sa matagal ko nang hindi nakitang kamag-anak?
Jose: Magandang ideya ‘yan pero mukhang mas magandang ang mga kartero nalang ang gumawa ng paghahatid ng sulat. Alam naman nating bihasa sila sa mga ganung gawain.
PM: Ah, oo naman, siyempre. Naku, maggagabi na pala. Salamat sa oras mo, Jose. Baka tutuloy na rin ako.
Jose: Aalis ka na? Gagabihin ka na sa daan. Mahirap mangapa sa dilim. Mas mabuti pa’y dito ka na magpalipas ng gabi. Bukas ka nalang ng magang-maga tumuloy.
PM: Salamat, Jose. Nakakatakot na rin ngang lumabas.
Jose: Halika at maghanda na tayo ng hapunan.
TELON
Scene 5:
|Nakaramdam na ng hindi maganda si Jose sa taong nagpakilala sa kanya bilang Pablo Mercado. Di naglaon ay nalaman niyang siya pala si Florencio Namanan, isang espiya ng mga prayle na nagbabalak makakalap ng mga ebidensiyang magpapadiin kay Jose. Sa loob ng apat na taong pananatili ni Jose sa Dapitan ay naging produktibo ang kanyang buhay. Naging manggagamot siya ng mga naninirahan duon, naging guro sa mga maliliit na mga bata, naging bihasa sa agham, nagsulat ng mga tula, nagpinta ng magagandang mga obra maestro at naging negosyante. Kahit abala si Rizal ay hindi naging hadlang ang mga gawain niya para makilala niya si Josephine Bracken.
(Nakaupo si Jose, darating si Josephine Bracken kasama ang kanyang ama. Ihahatid ni Josephine ang kanyang amain sa receiving area ng klinika ni Jose. Bubuksan ni JB ang pinto.)
JB: Hello, good day! (Romantic music)
Jose: Good day to you too, miss. Come in!
JB: You must be Dr. Rizal. I’m Josephine Bracken from Ireland.
Jose: Ireland? They say women from Ireland are beautiful. I see they’re not mistaken.
JB: (Mahihiya) Thank you very much, Dr. Rizal.
Jose: I think it would be more fitting if you call me Jose. People call me by that name.
JB: Uh, yes. Dr. Jose. We’ve heard of your expertise as an eye physician even in my home town. I really need your help.
Jose: Why, Josephine, is there a problem with those big, beautiful, blue eyes of yours? (Hahawakan ang mga mata ni JB.)
JB: (Mahihiya) Not me. My father.
Jose: Oh, I’m sorry. Would you mind bringing him in? (Dadalhin ni JB ang kanyang ama sa loob ng klinika ni Jose. Susuriin sandal ni Jose ang mga mata ng ama ni JB.)
JB: We’ve already consulted doctors from other countries. They fail to give any help.
Jose: I’m afraid your father’s case is really a difficult one. If I conduct an operation on his eyes, chances are low for us to recover his eyesight; nevertheless and rest assured, I will try my best and will exhaust everything that I can.
JB: Thank you, Dr. Jose.
Jose: (Titipunin ang buhok sa likod ng tainga ni JB.) Don’t call me Dr. Jose ; just “Jose” is enough.
JB: Alright.
Jose: So, I guess you have to come back here on Wednesday so that I can have plenty of time to prepare the necessary tool that I will use. Don’t worry about your father’s condition.
JB: Thank you, Jose. We’ll come back on Wednesday. (Pagbubuksan ni Jose ng pinto si JB at ang kanyang ama. Uupo siya at susulat ng tula para kay Josephine na maririnig sa VOICE OVER.)
Josephine, Josephine
Who to these shores have come
Looking for a nest, a home
Like a wandering swallow;
If your fate is taking you
To Japan, China or Shanghai,
Don’t forget, on these shores
A hear for you beats high
(Papasok bigla si JB)
JB: Dr. Rizal! Dr. Rizal!
Jose: Josephine, you have come back? Whom are you with?
JB: I came here alone. I escaped from home them; I wanted to see you again.
Jose: It’s a good thing you came back. Ever since I saw you, I already felt strange inside me. See, (Ipakikita sa kanya ang ginawa niyang tula) I made a poem especially for you. I think I’m in love with you, Josephine!
JB: Yes, I know. I feel the same for you, Dr. Rizal –
Jose: (Pipigilan sa pagsasalita si JB.) Remember, I told you, not to call me Dr. Rizal. Call me “Jose,” as if your own.
(Biglang makararamdam ng pagsisisi si JB. Tatayo at lalayo kay Jose.)
JB: What am I doing!? Am I crazy? Is it really possible – to fall in love with someone I’ve only seen a few moments ago?
Jose: Don’t be afrain, Josephine. We share the same feelings. If it is insanity to love, then I, too, am insane.
JB: I love you, Jose.
Jose: I love you and I would love to marry you.
JB: Let’s marry –
Jose: -- and have children?
JB: Yes! Let’s make a family, Jose. You and me!
Jose: I will contact a priest as soon as possible! I will marry you now! Today!
(Iiwan ni Jose si JB sa kaniyang klinika, kukunin si Padre Obach at ipakikita sa kanya si Josephine. Papasok si Jose at Padre Obach.)
Jose: There she is, father, the love of my life!
Padre Obach: (Hihilahin siya sa tabi) Jose, anung bang naiisip mo? Maghulusdili ka! Nababaliw ka na ba? Kakikilala mo lang sa babaeng ‘yan, gusto mo na ng kasal!?
Jose: Padre, nagmamahalan kami. Hindi ba’t yun naman ang mahalaga sa isang kasal? Ang pagmamahal?
PO: Pagmamahal? Nababaliw ka na, Jose! (Nanggigigil) Kakikilala mo palang sinasabi mo na ‘yan na wari’y ilang taon mo na siyang kasama! Isa pa, Jose, hindi ko kayo pwedeng ikasal ng basta-basta. Kailangan ko pang sumulat sa Obispo ng Cebu. Siguradong hindi rin siya papayag kung malalaman niya ang bagay na ito!
Jose: Padre, ikasal mo na kami!
JB: Jose, my love, is there any problem?
Jose: No, darling. Please wait. I and father Obach are discussing some matters. (Babalik kay Padre Obach.) Padre, wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan naming!
PO: Jose, wala na akong maitutulong pa sa iyo. Kung malalaman ito ng iyong ina, tiyak na magiging kahihiyan niya ang inyong kasal at magiging kahihiyan ng simbahan kung papayagan ko kaya. Pasensiya na. (Lalabas na si PO. Hahabol si Jose.)
Jose: Padre!
JB: Doesn’t the priest want to solemnize our wedding?
Jose: He told me that our wedding could be a problem. Don’t worry, Josephine. Weddings are not important! What’s important is that we love each other.
JB: But people might say bad things about us.
Jose: I don’t care! What I care about is that we live in together and make a family.
JB: I love you, Jose!
Jose: I love you too, Josephine. Today, I promise to you, in the presence of God, that we are husband and wife.
WEDDING MARCH BY MEDDLESON
TELON
Scene 6:
|Naging maganda ang pagsasama ni Jose at ni Josephine kahit na hindi sila kasal ng simbahan. Naging masipag si Josephine sa pagtulong sa kanyang asawa at matiya niyang pinagaaralan ang wika ni Jose, Filipino. Nagdalang-tao si Josephine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nabuhay ang bata.
(Ipapakitang buntis si Josephine at nagaayos sa bahay. Nadaring ang isa sa mga kapitbahay ni Jose na nagkukumahog. Dalaldala naman ng dalawa pang iba si Josephine.)
Bebang: Jose! Jose! Manganganak na ata si Josephine, Jose!
Jose: Kalma lang ho, Aling Bebang. Pumutok na bang panubigan niya?
Bebang: Ay naku, oo, Jose!
Jose: Nasaan ho ba siya?
(Papasok si Josephine na bitbit-bitbit ng dalawang kapitbahay. Nagaalala si Aling Bebang at kinakabahan na ang dalawa.)
JB: Jose! Jose! Ahh! It hurts!
Jose: Just calm down, Josephine. Just calm down. (Ihihiga si JB sa isang papag.) Breath in, breath out! Just follow me: breath in, breath out. Come on!
(Magpapatuloy sa paghingal at pagiri at pagiyak si Josephine habang pinupunansan ni Aling Bebang ang ulo ni Jose at iniaabot kay Jose ng iba pang dalawa ang mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang sandal…)
Jose: It’s a boy. (Dismayado)
(Magugulat ang tatlong babae. Kakausapin ni Jose si Aling Bebang.)
Aling Bebang: Jose, patay ang bata. Paano mo sasabihin kay Josephine?
Jose: Huwag muna nating sasabihin sa kanya, Aling Bebang. Hayaan nalang muna nating makapagpahinga ang isip at katawan niya.
Aling Bebang: Tama ka diyan. Hindi rin magandang sabihin sa kanya agad at baka mabigla siya.
Jose: (Tatango si Jose.) Aling Bebang, maghanda ka ng ataol na gawa sa makikinis na kahoy. Maliit lang. Ililibing ko ngayong gabi ang bata.
Aling Bebang. Sige, Jose.
Music: Funeral March by Chopin
TELON
Scene 7
|Nang gabing iyon ay inilibing ni Jose ang kanyang siyam-na-buwang anak sa isang kakahuyan sa Dapitan. Pinangalanan niya itong Francisco bilang pagalaala sa kanyang amang si Don Francisco. Labis na naghinagpis si Jose sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Mabuti nalang at nandoon ang mga kaibigan at kapitbahay niya sa Dapitan upang makiramay sa kanyang pangungulila.
(Unang makikita si Jose na nakatayo kasama ang ilang mga tao. Nakaupo naman si JB. Nakikiramay sila at nagpapaalam nang aalis.)
Tao1: Nakikiramay kami sa nangyari sa iyong anak, Jose. Inaasan din naming magkakaroon ka na ng anak.
Jose: Salamat, kasama. Hindi ko rin inaasahang ganun ang mangyayari.
Tao2: Kung nabuhay siguro si Francisco ay magiging kasing galing niya ang kanyang ama.
Tao3: Oo, at malamang ay magiging manananggol din siya n gating Inang Bayan.
Jose: (Ngingiti si Jose sandali.) Salamat sa inyo.
Tao4: Oh, siya Jose tutuloy na kami.
Jose: Magiingat kayo. (Uupo si Jose at tatabihan si JB. Tulala si JB.) I know the sorrow that you feel, Josephine. I know how it feels to lose a child. (Titingnan ni JB si Jose at hindi magsasallita.)
(Papasok ang isang kaibigan ni Jose dala ang balitang pumayag na si Governor Blanco sa pagtulong niya sa Cuba.)
Kaibigan: Jose! Jose! Pagpasensiyahan mo na ang pagaalaba ko.
Jose: Walang anuman ‘yon, kasama. Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo.
Kaibigan: Isang sulat galing kay Governador Blanco, Jose. Mukhang papayagan ka na sa pagtulong mo sa labanan sa Cuba.
Jose: Nakapagtataka naman. (Binubuksan ang sulat.) Matagal ko nang ipinadala ang sulat ko sa kanila. Ngayong lang darating ito. (Babasahing sandal.)
Kaibigan: Oh, anong eka, Jose?
Jose: Sulat nga mula sa Gobernador. Pinapayagan na akong tumulong sa labanan sa Cuba pero hinihiling sa aking dumaan muna sa Maynila para mapagbilinan ako sa pagpunta ko sa Espaniya.
Kaibigan: Maganda ‘yan, Jose! Nakatutuwa namang isipin na pinagyagan ka ng Gobernador sa iyong kahilingan.
Jose: Tama ka pero kailangan kong iwanan ang Dapitan. Napamahal na ako dito, kasama.
JB: What is that, Jose?
Jose: It’s a letter from Governor General Blanco Josephine. He’s notifying me that he is accepting my help for the war in Cuba.
Kaibigan: Salamat sa tulong mo dito sa Dapitan, Jose. Marami kang nagawang proyekto dito at dahil sa mga ‘yun ay umunlad ang buhay at pamumuhay naming rito. Salamat din sa pagtuturo mo sa mga kabataan dito; mula ngayon ay may maiiwan kang marurunong sa bayan na ito.
Jose: Walang anuman ‘yun kaibigan. Itinuring ko naring sarili kong tahanan itong Dapita. Sa apat na taong pananatili ko dito ay naramdaman ko ang pagkalingan naramdaman ko sa Calamba.
Kaibigan: Hindi ka naming makalilimutan kailan man, Jose. Salamat.
TELON
|Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa Dapitan. Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si Jose. Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang Espaniya, ang steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.
Scene 8
|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya.
(May isang kababayan niya na kakausap sa kanya.)
Kb: Magandang araw, Jose!
Jose: Magandang araw din naman sa iyo, kaibigan.
Kb: Nabalitaan kong kailangan mo raw pumunta sa Espaniya para makatulong sa labanan sa Cuba?
Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit nahuli ako dahil nakaalis na pala ito kahapon ng alas singko.
Kb: Kaya naman hihintayin mo ang susunod na steamer, tama ba?
Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako sasakay.
Kb: Mabuti. Hiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay –
Jose: -- Salamat –
Kb: Nabalitaan mo na ba ang mga pagyayari sa ating bayan?
Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?
Kb: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala ng Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluihanan na ang mga mga Kastilang opisyal.
Jose: May mga pagaalsa na bang sumiklab?
Kb: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Jose: Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan.
Kb: Nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at nagsisimula nang kumilos ang mga Pilipino upang bawiin an gating kalayaan?
Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may laying lumipad, kulungin mo at iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga Pilipino at mga Kastila.
TELON
Scene 9
|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer na Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang mayamang taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na iyon.
P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo makarating sa Barcelona.
P2: Tumakas ka na, Jose, habang may pagkakataon ka pa!
Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa Barcelona at tutulong ako sa labanan sa Cuba bilang isang manggagamot. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.
P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto mong mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang at manahimik sa isang tagong lugar.
Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at prisipyo na kailangan kong alagaan.
(Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa kanya.)
TK1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal Mercado!?
Jose: Si. Que usted necesitas?
TK2: Inaaresto ka naman, gamit kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General Ramon Blanco.
Jose: Sa anong dahilan ako aarestuhin?
TK1: Sumama ka nalang sa amin. Sige, dakpin siya.
Jose: Saan niyo ako dadalhin!?
TK2: Ididitini ka muna naming sa Ceuta. Doon ka mananatili hanggang makarinig kami ng kautusan mula kay Gobernador General Blanco.
TELON
|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punong-punong ng mga sundalo at mga opisyal ang steamer. Ang hulinh paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran.
(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa kasong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo)
Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa kampanya para sa reporma sa Espanya.
2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik.
3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa Propaganda sa Espaniya.
4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na mapanghikayat ng himagsikan.
5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas.
6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik na serbisiyo.
7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya.
(Papalo nanaman si Juez.)
Tagabas2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo:
1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyong na humihingi ng tulong nito para sa paghihimagsik.
2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.
3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno.
5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal na organisasyon.
6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”
7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!”
8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.
(Papalo nanaman ang Juez.)
Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong mananaggol na iprisenta ang inyong hulingdepensa. (Papalo.)
Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realando.
Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan. Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya. Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.
Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan ng pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa.
(Tatayo si Jose at magsasalita.)
Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon. Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dalidali akong sumulat sa Gobernador General para iaabot ang makakayao ngunit ito ang nakuha kong kapalit.
Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang aking pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan – minahal ko ang sarili kong bayan.
(Papalo uli ang Juez. Magkakagulo at magiingay ang mga tao.)
Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal.
Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang nagkasala sa harap ng korteng ito dahil sa iyong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng kamatayan. (Papalo ang Juez.)
Ano po ibig sabihin ng Steamer?
ReplyDeletebapor, sasakyan ginagamit sa ilog/dagat.
DeleteAyos to ahh. Nice!
ReplyDeleteNice!!!
ReplyDeletenice damn
ReplyDeleteThank you so much for this!
ReplyDeleteThanks for your help!
ReplyDeleteMeron po kayong buong kwento sa kabanata labing Isa hanggang dalawaput Lima? Sa buhay po ni Rizal.
ReplyDeleteSan po dyan yung Chapter 25 mismo :) salamat po need lang namen
ReplyDelete