Kung Paano Matatamo Ang Katahimikan sa Mundo

THIS POEM WAS WRITTEN BY CIRILO F. BAUTISTA.

Nakikilala sa kulay ng balat, ‘ika nga,

kaya sa San Francisco’y maingat ako
habang nanaghiihntay ng bus patungong Iowa.
Malakas daw ang racial prejudice, sabi nila,

kawawa ang mga Negro at mga di puti,

malapit na raw magrebolusyon dahil dito.
Ngatog na ngatog ako sa takot at gutom
dahil kalalapag ko lang buhat sa Tokyo.

Pumasok ang isang Negro sa istasyon—

naka-African hairdo, may hawak na munting
latigo: nakatatakot tumingin, kaya 
di ko siya tinignan. Kumakalansing

ang pilak na borlas ng kanyang sapatos

at sigaw niya, “Peace, brothers!” Ngumiting litaw
ang mapuputing ngipin. Tinignan ako—
siguro’y natawa siya sa kanyang natanaw—

isang dayuhang maliit, maitim na kung

saana lupalog nanggaling. Bumaligtad
ang aking bituka sa takot at dumukot
ako ng sigarilyo para di malantad

ang pamumula ng aking mukha. Nahalata

kong pati ang mga Putting naroo’y tahimik
na tahimik, di makaimik sa harapan
ng Negrong iyon. Pagkaalis lang niya nagbalik

ang normalcy sa loob ng istasyon—nagbasang

muli ang iba, tsismisang muli ang mga miron,
tawanan, ang dyanitor ay muling nagwalis.
Maya-maya’y nagdaang muli ang Negrong iyon

Kaakbay ang dalawang Amerikanang puti,

Blonde, at sa kagandaha’y walang kaparis.
Napatigil ang dyanitor sa pagwawalis.
Naisip ko, ‘Ganito pala ang racial prejudice.”

No comments:

Post a Comment